dzme1530.ph

Approval ng Senado sa mga priority bills, makatutulong sa paglago ng ekonomiya

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ang mga ipinasang priority measures ng Senado.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Zubiri na maaprubahan nila ngayong taon ang lahat ng 20 priority bills na nais maisabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Zubiri, ang mga panukalang una na nilang inaprubahan ay masusing pinag-aralan at tinalakay ng mga senador para makatulong na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino alinsunod na sa agenda ni Marcos.

Sinabi ng senate president na committeed ang senado sa pagbalangkas ng mga batas na makapagpapasigla ng ekonomiya, makapagpapataas ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan at makapagbibigay ng dagdag na benepisyo para sa mga vulnerable sector ng komunidad.

Kabilang sa mga panukalang inaprubahan ng Senador ang Senate Bill No. 1846, o ang panukalang Internet Transactions Act, Senate Bill No. 2224, o ang panukalang Ease of Paying Taxes Act, Senate Bill No. 2233, o ang panukalang Public Private Partnership Act, at ang  Senate Bill No. 2001 (New Philippine Passport Act).

Maliban sa mga national bills na ito, 12 na local bills rin ang naaprubahan ng senador sa final reading. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author