dzme1530.ph

Cyberattack sa PhilHealth, pag-atake sa public health

Pinabubusisi ni Senador Mark Villar sa Senado ang cyberattack laban sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasabay nito, kinondena ni Villar ang Medusa ransomware cyberattack laban sa PhilHealth na naglagay sa kompromiso sa pribadong impormasyon at ng kalusugan ng publiko.

Sinabi ni Villar na ang atake na ito ay hindi lamang isang malaking kaso ng information theft bagkus bahagi ng malawakang atake laban sa public health and welfare dahil nalagay sa alanganin ang medical information ng mga miyembro ng PhilHealth.

Nalagay din anya sa alanganin ang immediate medical assistance ng mga miyembro at benepisyaryo ng PhilHealth dahil sa mahigit 24 na oras na downtime ng kanilang system.

Nakababahala na rin para sa senador ang serye ng mga cyberattacks sa iba’t ibang institusyon ng gobyerno.

Sa kanyang Senate Resolution No. 811, iginiit ni Villar na panahon nang palakasin ang ating cyberspace security sa gitna ng posibilidad na maharap ang panganib ang private and delicate information hindi lamang ng isang institusyon kundi ng publiko. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author