Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamamahagi ng smuggled na bigas sa mahihirap na pamilya sa Maynila.
Sa seremonya sa San Andres Sports Complex sa Malate ngayong Martes ng umaga, ipinamigay sa mga piling benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang nasa 1,000 kaban ng bigas na may bigat na 25 kilos.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa seremonya sina Manila Mayor Honey Lacuña, Manila Cong. Irvin Tieng, at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development.
Ang ipinamahaging bigas ay bahagi pa rin ng 42,000 sako ng smuggled na bigas na nasabat ng Bureau of Custom sa Zamboanga City. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News