Magsasagawa na ang House Committee on Constitutional Amendments ng kanilang pangalawang public hearing kaunay sa panukalang amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.
Ayon kay Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez at Chairperson ng nasabing committee, dadalo sa pagdinig ang kinatawan mula sa ibat-ibang grupo kabilang ang civil society group, academe, business group at ilang mga ahensya ng pamahalaan.
Matatandaan sa unang pagdinig nito noong Enero 26, dumalo ang mga legal luminaries na kinabibilangan ng mga dating Supreme Court Justice at mga bumalangkas ng 1987 constitution.
Kaugnay nito, pinatawag din ang mga ekonomista para timbangin kung napapanahon na nga ba ang naturang panukala.
Ang dalawang grupo ay hahatiin kung panahon na nga ba o hindi pa para amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas.