Dismayado si Senador Imee Marcos sa iba’t ibang isyu sa National Commission on Senior Citizens (NCSC).
Tinukoy ni Marcos ang report ng Commission on Audit kaugnay sa understated semi-expendable property expenses, magkakaibang paghahanda ng mga report at kawalan ng preparasyon sa inventory custodian slip.
Batay din sa COA report, mayroon pa ring unliquidated cash advances ang ahensya.
Pinuna rin ni Marcos ang iba’t ibang sasakyan ng ahensya gayung hanggang ngayon ay wala pa silang nabubuong database para sa mga senior citizen.
Dahil sa pagkadismaya, inamin ng senadora na mahihirapan siyang depensahan ang budget ng NCSC tulad ng nangyari noong isang taon.
Tiniyak naman ni Atty. Franklin Quijano, NCSC chairperson, na nagsumite na sila ng action plan sa COA at suportado ito ng iba’t ibang dokumento. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News