Ipinag-utos na ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ang pagbuo ng Customs Administrative Order na magsasagawa ng regulasyon at mag-oobliga sa pagpaparehistro ng mga forwarder.
Ito’y bilang sagot na rin sa reklamong inihain ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) kaugnay sa delayed balikbayan boxes na nakatambak lamang sa BOC.
Kaugnay nito, mas hihigpitan pa ang mga authorized forwarders na magsagawa ng transaksyon sa BOC kung saan ibibigay sa mga OFWs ang online information tungkol sa accredited forwarders.
Dahil dito, maiiwasan na ng OFWs na makipag-transaksyon sa mapagsamantalang forwarders.
Pinayuhan rin ng ahensiya ang mga OFWs na nagkaka-problema sa balikbayan boxes na kaagad i-report sa ahensya sa pamamagitan ng social media ang isang pasaway at manlolokomg forwarder upang maibalik ang mga ito sa kanila o maipadala na sa kanilang kamag-anak. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News