Kinatigan ni Cagayan de Oro City Cong. Rufus Rodriguez ang panawagan ng 30 State Universities and Colleges (SUCs), na ibalik ang P6.2-billion na binawas sa kanilang budget.
Ayon kay Rodriguez, ang budget cut ay sumasalungat sa hangarin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na i-empower ang kabataang Pilipino para sa pag-unlad ng bansa.
Nais aniya nitong sulatan si Speaker Martin Romualdez at Cong. Zaldy Co, ang appropriations panel chairman para hilingin na i-restore o ibalik ang kinaltas na pondo.
Panawagan nito, kung hindi man kayang dagdagan, ipantay na lamang ang budget ng 30 SUCs sa kasalukuyan nitong halaga.
Marami naman aniya sa budget items ang pwedeng kaltasan gaya ng travel expenses, representation, entertaiment, pagbili ng sasakyan, office renovation, water at electricity bills.
Ayon kay Rodriguez kabilang sa tinapyasan ang budget para sa 2024 ay mismong Polytechnic University of the Philippines, at mga agricultural schools sa rural areas. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News