Wala pang natatanggap na abiso o sulat ang Kamara kaugnay sa amendment ng Anti-Agricultural Smuggling Act bilang “urgent measure.”
Ito ang kinumpirma ng leadership ng House matapos lumabas ang certification letter na naka-address kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ipinagmalaki naman ni Cong. Mark Enverga na kahapon inaprubahan na ng kanyang komite ang proposed amendment sa Republic Act 10845.
Sa kanilang bersiyon pinabigat na nito sa 30 to 40 year imprisonment ang parusa sa smuggling, hoarding, profiteering at cartelizing ng alahat ng agricultural products, samantalang life imprisonment sa economic sabotage.
Sinabi kahapon ni Enverga na pinakikiusapan nila ang Committee on Rules na makasingit sila sa plenary deliberations ng 2024 GAB, at matapos kahit na sa 2nd reading ang Anti-Agricultural Smuggling Law amendment.
Una dyan nangako rin si Speaker Martin Romualdez na bago ang bakasyon ngayong September, tatapusin rin ng Kamara ang dalawa pang urgent measure ng LEDAC at kabilang dyan ang Anti-Agricultural Smuggling. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News