Ipinakalat ni QCPD Director PBGen Red Maranan ang kanyang mga tauhan sa iba’t-ibang lugar sa lungsod.
Ito ay kasabay ng isasagawang mga kilos protesta ng iba’t-ibang militanteng grupo bilang pagdiriwang sa ika-51 anibersaryo ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay Maranan, kabilang sa mga lugar kung saan itinalaga ang mga tauhan ng QCPD ay sa kanto ng University at Commonwealth Avenue.
Aniya, may nakakalat ring mga pulis sa paligid ng Welcome Mabuhay Rotonda sa boundary ng QC at Maynila bilang bahagi ng contingency measures.
Ito ay upang matiyak na magiging mapayapa ang mga aktibidad ngayong araw gaya ng malalaking protesta at programa sa iba’t-ibang lugar ng mga militanteng grupo.
Kabilang sa sentro ng mga aktibidad ang Liwasang Bonifacio at ang Mendiola sa Maynila. –sa ulat ni Neil Miranda, DZME News