dzme1530.ph

Malalaking oportunidad sa Asya, naghihintay para sa Europa

Naghihintay para sa Europa ang malalaking oportunidad sa Asya.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presentasyon ng credentials sa Malakanyang ni Swiss Ambassador Nicolas Brühl.

Ayon sa Pangulo, magiging wais para sa Europa kasama na ang Switzerland na bumuo ng partnerships sa Southeast Asia at sa buong Asya, at sa kabila umano ng geopolitical disturbances ay kapana-panabik pa rin ang mga oportunidad.

Sinabi pa ni Marcos na nagsanib-pwersa na ang ASEAN leaders para sa pagpapalakas ng economic systems, sa pamamagitan ng paggamit sa mga aral na kanilang natutunan sa pandemya.

Pinuri naman ng Swiss ambassador ang mas mabilis na pagbangon ng Asian economy kumpara sa ibang rehiyon sa mundo.

Mababatid na ang Pilipinas at Switzerland ay kapwa bahagi ng Philippines–European Free Trade Association Agreement. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author