dzme1530.ph

Panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa agri economic sabotage, sinertipikahang urgent ng Pangulo

Sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa agricultural economic sabotage.

Sa liham na naka-address kay Senate President Juan Miguel Zubiri, hiniling ng pangulo ang agarang pagpasa ng Senate Bili No. 2432 o “An Act Defining the Crimes of Agricultural Economic Sabotage”.

Iginiit ni Marcos na mahalagang maipasa ang nasabing panukala sa harap ng sumisipang presyo at shortage o kakapusan sa agricultural products, dulot ng smuggling. hoarding, profiteering, at mga cartel.

Magtataguyod din umano ito ng productivity sa agriculture sector, po-protekta sa mga magsasaka at mangingisda mula sa mga mapagsamantalang traders at importers, at magtitiyak ng patas at abot-kayang presyo ng agricultural at fishery products.

Sa ilalim ng panukala, ipapataw ang multa at sintensyang hanggang habambuhay na pagka-bilanggo sa smuggling, hoarding, profiteering, at cartel ng agricultural at fishery products, habang ang mga kasabwat na opisyal o empleyado ng gobyerno ay maaaring mapatawan ng perpetual disqualification sa public office at pagbawi ng monetary employment at financial benefits. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Maaaring larawan ng stub ng ticket at text

About The Author