Sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proposed P5.768-T 2024 National Budget.
Sa liham na naka-address kay House Martin Romualdez, hiniling ni Marcos ang agarang pagpasa ng 2024 General Appropriations Bill.
Ito umano ay upang masiguro ang patuloy na operasyon ng gobyerno pagkatapos ng kasalukuyang fiscal year.
Ito rin ay upang mapabilis ang pagpopondo sa mga programa, proyekto, at aktibidad sa fiscal year 2024, at matiyak ang kahandaan ng budget para sa epektibong pagganap ng pamahalaan sa kanilang mandato sa ilalim ng saligang batas.
Binigyan din ng kopya ng liham si Senate President Juan Miguel Zubiri.
Samantala, sa 3rd LEDAC meeting sa Malakanyang ay sinabi ni Speaker Romualdez na inaasahang maipapasa na ng kongreso ang proposed 2024 budget bago mag-pasko. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News