Palalakasin ng Department of Agriculture (DA) ang produksyon ng kawayan sa bansa.
Ito ay kasabay ng paggunita sa World Bamboo Day at Philippine Bamboo Month.
Ayon kay DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano, ang kawayan ay isang mahalagang pangangailangan lalo na sa mga magsasaka at mangingisda.
Kaugnay dito, naghahanda na ang DA na i-presenta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bamboo economics, at mismong ang Pangulo umano na tumatayong Agriculture Sec. ay nasasabik na sa planong pagpapalago ng bamboo production.
Sa ilalim ng Executive Order No. 879, inoobliga ang DA na tukuyin ang mga lupang angkop na taniman ng kawayan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News