Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 30% ng mga nahuhuling isda sa bansa ay nauuwi sa pagkabulok.
Ito ay dahil umano sa kakulangan ng cold storage facilities.
Upang hindi masira ang mga isda, tiniyak ng pangulo ang pagtatayo ng karagdagang cold storage facilities, habang bibigyan naman ng panggawa ng yelo ang maliliit na bagsakan ng isda.
Sinabi ni Marcos na ang fisheries sector ay bahagi ng development plan ng administrasyon.
Matatandaang una nang ipinalutang ng Pangulo ang posibleng pagpapatupad ng fishing ban sa ilang lugar upang muling maparami ang populasyon ng isda. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News