dzme1530.ph

Administrasyong Marcos, humiling ng P38.75-B para sa digitalization sa 2024

Humiling ang administrasyong Marcos ng P38.75-B para sa digitalization program, sa ilalim ng proposed 2024 national budget.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ito ay 60.6% na mas mataas kumpara sa P24.93-B na alokasyon ngayong taon.

Kabilang sa mga pinaglaanan ng pondo para sa digitalization ang Department of Education, Department of Justice, Department of Information and Communications Technology, Department of Finance, Department of Interior and Local Government, National Economic and Development Authority, Department of National Defense, Department of Environment and Natural Resources, OEOS o other executive offices at maging ang judiciary offices.

P990.631-M naman ang inilaan para sa ICT Systems and Info-Structure Development, Management, and Advisory Program ng DICT, habang P1.67-B ang alokasyon sa National Government Data Center Infrastructure Program.

Habang P2.5-B ang gagamitin sa free Wi-Fi connectivity in public places and SUCs program.

Iginiit ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ang pagsabay sa teknolohiya ay alinsunod sa whole-of-goverment approach ng administrasyon upang ma-digitalize ang burukrasya para masawata ang red tape at mapalakas ang employment sa digital economy. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author