Pinabulaanan ni NEDA Chief Arsenio Balisacan na may alok sa kanya para pamunuan ang Department of Agriculture (DA).
Sa budget hearing sa Kamara nilinaw ni Balisacan na walang nag-aalok o kumausap sa kanya kahit na sa pulong ng gabinete, ay hindi lumulutang ang ideyang palitan si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. bilang agriculture secretary.
Una nito lumabas sa usap-usapan ang pangalan ni Balisacan na napipisil umanong kahalili ng presidente sa DA.
Base sa record namuno na si Balisacan sa NEDA noong administrasyon ni late President Noynoy Aquino, habang undersecretary ito ng DA noong Estrada presidency. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News