Handa si Senador Francis Tolentino na maging co-petitioner sakaling may magsulong ng reklamo sa international court kaugnay ng pagwasak ng mga Chinese militia vessel sa mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea.
Tiniyak ni Tolentino na handa siyang tumulong basta’t hindi ito in conflict sa mga ginagawa niya sa Senado.
Sa ngayon ay tinatalakay ng pinamumunuan niyang Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones ang ipinapanukalang pagbuo ng mapa ng maritime territories ng Pilipinas.
Subalit kung mayroon anyang namang ibang grupo o indibidwal na may oras at resources na bumiyahe sa ibang bansa para matutukan ang kaso ay dapat na itong ipaubaya sa kanila.
Handa naman siyang umasiste sa kaso at magbigay ng mga dagdag na materyales para mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa kaso.
Una nang nagpahayag ng pangamba si Tolentino na mauwi na naman sa reclamation ang ginawang pagsira ng China sa coral reef tulad sa iba pang isla sa West Philippine Sea. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News