dzme1530.ph

Nailaang confidential fund sa DICT sa mga nakalipas na taon, bahagi ng congressional insertions

Lumilitaw na inisyatibo mismo ng mga mambabatas ang naibigay na P1.2-B confidenti fund sa Department of Information and Communications Technology (DICT) noong 2019 at 2020.

Sa pagdinig sa panukalang 2024 budget ng DICT, inihayag ni Undersecretary Heherson Asiddao na congressional insertion ang kanilang P400-M confidential funds noong 2019 at P800-M noong 2020.

Gayunman, nilinaw ni Benjieleth Zuniga, acting assistant director ng Department of Budget and Management, tanging P400-M ang nairelease sa DICT.

Ipinaliwanag ni Zuniga na ang P800-M sanang appropriations noong 2020 ay naging bahagi ng pondo para sa COVID-19 response.

Ang paglilinaw ng DICT sa pondo ay sa gitna ng pagkwestyon ng ilang mambabatas sa hinihingi nilang P300-M confidential fund sa susunod na taon gayung napakababa ng kanilang budget utilization rate.

Ayon sa DICT, gagamitin ang confidential fund laban sa online at text scams.

Iginiit ni Senador Grace Poe na kailangan munang masuri nang husto kung nararapat pang pagkalooban ng confidential fund ang ahensya. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author