dzme1530.ph

Pilipinas, pangalawa sa dami ng online sexual abuse and exploitation against children

Pumapangalawa na ang Pilipinas sa buong mundo sa mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Ito ang inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay DICT Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay, pangalawa ang Pilipinas sa India pagdating sa OSAEC.

Idinagdag pa ni Magsaysay na batay sa naging pag aral ng United Nations (UN) ay nagiging pugad ang Pilipinas ng online scamming.

nang matanong naman kung ano ang posibleng dahilan kung bakit mataas ang ranggo ng Pilipinas sa OSAEC, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na kahirapan ang nakikita niyang pangunahing rason.

Kulang din aniya ang cybersecurity tools ng bansa para matukoy ang mga nasa likod ng mga krimen na ito.

Ipinaliwanag naman ni Magsaysay na patuloy ang hakbang ng DICT para matugunan ang isyung ito sa pamamagitan ng inter agency response center, at mga joint operations kasama ang DOJ at live digital forensics.

Nasa P320-M ang alokasyon ng CICC para sa susunod na taon pero humihiling pa ang ahensya ng P461-M para sa dagdag na mga technical equipment. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author