Ipinalutang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posibleng pagpapatupad ng fishing ban sa ilang lugar, upang labanan ang overfishing at maparami muli ang populasyon ng mga isda.
Ayon sa Pangulo, may mga lugar na hindi dapat ginagawang palaisdaan at inilalaan lamang para sa breeding o pagpaparami ng isda.
Bumaba na rin umano ang huli ng mga mangingisdang Pinoy dahil nasira na ang tirahan ng aquatic resources.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na ang pagpapaganda sa sektor ng pangingisda at aquaculture ay bahagi ng development plan ng administrasyon, tungo sa food security at pagtitiyak ng sapat na suplay ng isda.
Nagpapatupad din umano ang gobyerno ng mga programa sa pagtatayo ng mas maraming cold storage facilities upang maiwasan ang pagkasira o pagkabulok ng mga isda. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News