dzme1530.ph

Newly-promoted police generals, pinayuhan ng Pangulo na maging malinis sa korapsyon at pang-aabuso

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bagong promote na heneral ng Philippine National Police (PNP) na maging malinis sa korapsyon at pang-aabuso, upang makuha ang tiwala ng publiko.

Sa kanyang talumpati sa oath taking sa Malakanyang ng 57 bagong promote na police generals, ipina-alala ng Pangulo ang “zero-tolerance policy” ng administrasyon sa korapsyon at pag-abuso sa karapatang pantao sa hanay ng PNP.

Tiniyak din ni Marcos na walang magiging lugar ang pagiging maluwag sa mga pulis na dudungisan ang reputasyon ng PNP, at maglalagay sa peligro sa publiko.

Kaugnay dito, hinamon ng chief executive ang police officials na maging “agents of positive change” o tapagsulong ng positibong pagbabago sa bansa.

Umaasa rin ang Pangulo na kanilang pangungunahan ang paghuhulma sa pwersa ng pulisya na may kakayanan, propesyunal, at tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author