dzme1530.ph

Pagpaslang sa ilang media na nakasagasa sa mga taong makapangyarihan, kinundena ng PAO

Mariing kinundena ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta ang sunud-sunod na insidente ng pagmamaslang sa ilang miyembro ng media ng mga makapangyarihan tao matapos itong batikusin.

Ito ang pahayag ni Atty. Acosta kasabay ng isinagawang media seminar na may temang “Promoting a free responsible press media community” na pinangunahan ng Presidential Task Force on Media Security katuwang ang PAO.

Ayon kay Atty. Acosta, ilang mediamen na ang nagbuwis ng buhay dahil may nasagasaang maimpluwensiyang tao.

Payo ni Acosta sa mga taong mapang-abuso sa kapangyarihan kung may sama ng loob aniya sa mga kapatid na media, daanin na lang sa legal na pamamaraan at hindi sa pamamagitan ng armas at dahas.

Binigyan diin ni Acosta na sila mang mga abugado ay nanganganib din ang buhay, at kamakailan lang anya ay si Atty. Alzate sa Abra ay nagbuwis din ng buhay. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author