dzme1530.ph

Buffer stock ng bigas, pinadadagdagan ng Pangulo sa NFA sa harap ng El Niño

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Food Authority (NFA) na dagdagan pa ang reserbang bigas sa harap ng pag-iral ng El Niño o matinding tagtuyot.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng 1,500 sako ng smuggled na bigas sa mahihirap na pamilya sa Zamboanga, inihayag ng Pangulo na bukod sa Pilipinas ay naghahanda rin sa El Niño ang iba’t ibang bansa sa Asya sa harap ng inaasahang pagtamlay ng ani.

Dahil dito, lahat umano ng bansa ay nag-aagawan para sa reserbang bigas, na itong nagdulot ng pagsipa ng presyo nito.

Hinggil dito, tiniyak ni Marcos na daragdagan nila ang buffer stock ng bigas sa mga bodega ng NFA, kahit pa mataas ang presyo nito sa international market.

Matatandaang inanunsyo ng Pangulo ang itinakdang bagong buying price ng NFA sa palay, kabilang ang P19 hanggang P23 sa kada kilo ng dry palay, at P16 hanggang P19 per kilo sa wet palay. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author