Ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang libu-libong sako ng smuggled na bigas sa mahihirap na pamilya sa Zamboanga.
Sa pag-bisita sa National Food Authority (NFA) warehouse sa Zamboanga City, pinangunahan ni Marcos ang distribusyon ng nasa 1,500 sako ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang bigas ay bahagi ng 42,180 sako ng smuggled rice na nasabat ng Bureau of Customs sa Zamboanga City noong Setyembre a-15.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Marcos na kumikilos ang gobyerno upang masawata ang smuggling, na nakakasira sa sektor ng agrikultura.
Samantala, pinangunahan din ni Marcos ang distribusyon ng iba’t ibang uri ng assistance mula sa Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Department of Labor and Employment. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News