dzme1530.ph

POLO-OWWA sa UK, tunay na Pro Pinoy

Handa ang pamunuan ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration sa London na suportahan at itaguyod ang kapakanan ng mga Pinoy sa UK.

Sa panayam ni DZME Europe News Bureau Chief Mellany Zambrano, sinabi ni Labor Attache Amuerfina “Amy” Reyes na bagama’t maituturing na maunlad na bansa ang UK at hindi talamak ang unfair labor practice, nakararanas pa rin ang maraming Pinoy dito ng samu’t saring problema. Ayon sa kanya, hindi lahat ng manggagawang Pinoy sa UK ay may magandang kwento. “Kaya naman laging narito ang OWWA handang umalalay sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.”

Ayon din kay Welfare Officer Sheila Mae Aguilar, isa sa kinakaharap na problema ng ilang kababayan dito ang mental health bunsod ng pagkakawalay sa pamilya, pressure sa trabaho at lamig ng panahon. May mga kababayan ang nakararanas ng Seasonal Affective Disorder (SAD) na isang uri ng depression na mayroong seasonal pattern. Kadalasang nararanasan ito sa panahon ng winter kung kailan matindi ang lamig ng panahon at mahaba ang gabi sa UK.

Samantala, napahanga ang mga taga POLO-OWWA UK ng mga produkto ng Pro Pinoy idols. Masayang ini-model ni Labatt Amy ang handwoven ikat bag mula sa BGLK at hand-painted pandan bag mula sa Bayong Republic. Kaisa ng Pro Pinoy ang POLO OWWA UK sa pagbibigay daan na maipakilala dito sa UK ang mga produktong Pro Pinoy sa tulong na din ng Department of Trade and Industry UK. –Ulat ni Mellany Zambrano, DZME Europe News Bureau Chief Mellany Zambrano

 

 

About The Author