dzme1530.ph

P8.9-B, inilaan para sa computerization program ng DepEd sa 2024

Naglaan ang administrasyong Marcos ng P8.9-B sa ilalim ng proposed 2024 National Budget, para sa computerization program ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa Department of Budget and Management, gagamitin ang pondo para sa pagbili ng learning cart packages, at laptops para sa mga guro at non-teaching personnel.

Kasama rin ang pagbili ng information and communications technology equipment para sa DepEd Matatag Center.

Samantala, P12-B ang alokasyon para sa textbooks at iba pang instructional materials, at karagdagang P3.9-B para sa iba pang kagamitan kabilang ang science and mathematics tools, at technical vocational and livelihood equipment.

Sa kabuuan ay P33.755-B ang inilaan sa basic education facilities program ng DepEd sa 2024, na 44% na mas mataas kumpara sa P23.417-B sa kasalukuyang taon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author