Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang Petition for Certiorari na isinampa ng biyenan ni Atty. Levito Baligod na humihiling na ipawalang bisa ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na nagkakansela sa titulo ng pitong ektarya na lupa nito sa 14 St. New Manila, Quezon City.
Sa 22 pahinang desisyon ng 15th Division ng CA, inatasan nito ang pamilya ni Marlina Veloso-Galengzoga na bakantehin ang naturang lupa.
Si Galenzoga ay biyenan ni Atty. Levito Baligod na naka-posisyon ngayon sa nasabing lupain.
Nag-ugat ang kaso matapos paburan ni QC RTC Branch 92 Judge Ralph Lee ang petition ng Titan Dragon Properties Corporation na ipakansela ang mga titulong hawak ni Galengzoga.
Sabi ng CA, walang naipakitang sapat na ebidensya ang pamilya ni Baligod para baligtarin ang naging desisyon ng Mababang Korte.
Sa rekord ng korte, ibinenta ng Titan Dragon Properties Corporation ang nasabing lupa kay Galengzoga ngunit nabigo ito na bayaran ang capital gains tax.
Dahil dito, ipinakansela nila ang titulo na hawak ni Veloso-Galengzoga na pinaburan naman ng QC RTC. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News