Hindi na magsasagawa ng live streaming ng mga misa ang Simbahang Katoliko sa Bacolod City.
Ito ang utos ni Diocese of Bacolod Bishop Patricio Buzon na magsisimula sa September 24.
Sa desisyon ni Bishop Buzon, dapat ay aktibong nagtutungo sa mga simbahan ang mga deboto dahil wala na rin namang umiiral na health emergency sa bansa.
Ayon sa Buzon, inalis na ng gobyerno ang mga health restriction kung kaya’t dapat ay nagtutungo na sa mga simbahan ang mga mananampalataya.
Hindi daw kasi nagagawa sa live streaming ang communion kung saan isa ito sa mahahalagang bahagi ng misa.
Ngunit para sa mga may sakit at hindi kayang magtungo sa simbahan, ang misa na alas-10:00 ng umaga tuwing Sabado ay paiiralin pa rin ng Diocese of Bacolod. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News