dzme1530.ph

14 manufacturing companies, humihirit ng taas-presyo sa ilang produkto

Humiling ang 14 na manufacturing company ng Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC) sa Department of Trade and Industry (DTI) na payagan silang magdagdag ng presyo dahil sa mataas na halaga ng raw materials.

Ayon kay DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo, 1% hanggang 5% o P.10 hanggang P7.27 ang inihihirit na dagdag-presyo ng food manufacturers, habang 6% hanggang 10% o P1.50 hanggang P9.75 naman sa non-food items.

Kaugnay nito, sinabi ni DTI Assistant Sec. Jean Pacheco na nais ng kagawaran na talakayin ang hiling na price increase sa ilang produkto gaya ng canned sardines, evaporated milk, powdered milk, kape, instant noodles, bottled water, at canned meat.

Kamakailan lang ay sinabi ng ahensya na wala silang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa mga susunod na araw, maliban kung may bagong suggested retail price bulletin na ilalabas para sa BNPC. –sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author