Kasado na ang deployment plan ng Manila Police District (MPD) para sa tatlong araw na bar examinations ngayong taon na magsisimula sa Linggo, September 17, 2023.
Sa panayam ng DZME, sinabi ni MPD Director PBGen. Andre Perez Dizon na aabot sa 277 na kapulisan ang kanilang ipapakalat para tutukan ang San Beda University at University of Santo Tomas na siyang pagdarausan ng naturang pagsusulit.
Maliban ditto, magkakaroon din ng karagdagang reinforcements ang MPD mula sa mga pwersa ng Philippine Coast Guard, Metro Manila Development Authority, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, Manila Heatlh Department at Department of Public Safety.
May dagdag na force multiplier din ang kapulisan mula naman sa mga brgy. tanod at mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News