dzme1530.ph

Sen. Cayetano, nairita sa pang-iisnab ni LLDA GM Santiago sa pagdinig ng Senado

Kinastigo ni Senador Alan Peter Cayetano si Laguna Lake Development Authority (LLDA) Acting General Manager Senando Santiago dahil sa pang-iisnab sa pagdinig ng Senado kaugnay sa mga isyung may kinalaman sa Laguna Lake.

Sinabi ni Cayetano na bagama’t tatlong araw na ang nakalipas matapos nilang ipadala ang imbitasyon sa opisyal para sa pagdinig ay kagabi lamang nagpasabi si Santiago na hindi ito makadadalo.

Ipinaalala ng senador na ang pundasyon ng magandang relasyon ay respeto subalit kung wala anyang respeto si Santiago sa kumite ay hindi rin nito makukuha ang kanyang respeto.

Iginiit ng mambabatas na hindi simpleng isyu ang dapat talakayin sa pagdinig dahil nakadepende din dito ang buhay ng mga mangingisda.

Kung hindi man anya muli sila makapagtakda ng pagdinig ay haharapin niya si Santiago sa budget hearings. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author