Nagpahiwatig ng interes ang GMR Multinational Group of Companies ng India na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.
Ito ay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa top executives ng GMR sa nagpapatuloy niyang foreign trip sa Singapore.
Partikular na interesadong mag-invest ang GMR sa imprastraktura tulad ng airports, kalsada, at energy projects.
Sinabi naman ni Marcos na kailangang pagandahin ang mga imprastraktura sa Metro Manila sa harap ng problema sa overcapacity.
Binanggit din nito ang pagtatayo ng Sangley Airport at Bulacan Airport na nakikitang solusyon sa airport congestion.
Ang GMR group ay naka-base sa New Delhi na binubuo ng GMR infrastructure, GMR energy, GMR airports, at GMR enterprises. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News