dzme1530.ph

Taas-sahod ng mga manggagawa sa CAR at Samar, tatalakayin ng RTWPB

Inihayag ng iba’t ibang regional wage boards na magdaraos sila ng konsultasyon at pagdinig kaugnay sa isinusulong na taas-sweldo para sa mga manggagawa sa mga probinsya.

Sa calendar na inilabas ng National Wages and Productivity Commission at Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Cordillera Administrative Region, ang unang public hearing para sa minimum wage adjustment ay gagawin sa Abra ngayong araw, September 15.

Habang ang mga susunod na pampublikong pagdinig ay sa September 19 at 20; at October 4, 5 at 10.

Para naman sa Region 8 o Eastern Samar, ang public consultation ay gagawin sa Calbayog City sa September 21.

Ipagpapatuloy naman ang wage consultion para sa Region V o Bicol sa September 22, 26 at 27; at ang public hearing ay gaganapin sa October 2.

Kamakailan lang ay inanunsyo ng DOLE na inaprubahan na ang P33 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Central Visayas at P35 hanggang P50 minimum wage increase naman sa CALABARZON.–sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author