Sinimulan na ngayong araw ng City Prosecutors’ Office ng Maynila ang preliminary investigation hearing sa mga kasong isinampa laban kay Pura Luka Vega ng mga deboto ng Black Nazarene.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code si Vega na nagpaparusa sa immoral doctrines, obscene publication and eksibisyon pati na rin ang mga malaswang palabas.
Magugunita na si Amadeus Fernando Pagente alyas Pura Luka Vega ay idinemanda sa Maynila ng Hijos del Nazareno Central kung saan suot-suot pa ng mga ito ang kani-kanilang mga t-shirt ng Nazareno nang magtungo sa Manila Prosecutors’ Office.
Ang nabangit na grupo ay isang samahan ng mga sagradong katoliko na kinikilala ng Quiapo Parish at kumakatawan sa libu-libong Katoliko ng Itim na Nazareno sa Pilipinas.
Ayon sa Presidente ng Hijos del Nazareno Central na si Val Samia, lubhang silang nakaramdam ng sakit sa ginawa ni Pura Luka Vega, dahil sa kontrobersiyang ginawa nito sa kantang Ama-Namin. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News