dzme1530.ph

Pagtatalaga ng maritime territories ng Pilipinas, suportado ng mga eksperto

Umani ng suporta mula sa mga eksperto ang mga panukala na naglalayong bumuo ang Pilipinas ng sarili nitong mapa ng maritime territories.

Sa organizational meeting ng Special Senate Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, una nang sumuporta sa panukala si Southeast Asia expert Dir. Gregory Poling ng Southeast Asia Program and Asia Maritime Transparency Initiative.

Ayon kay Poling, dahil mas nagiging agresibo ang aksyon at harassment ng China, kinakailangang linawin ng Pilipinas at iba pang claimant countries sa publiko at international community ang kanilang paninindigan.

Nakabase naman anya ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa UNCLOS at sa International Law.

Idinagdag pa ng eksperto na ang pagbuo ng bansa ng klarong mapa ng maritime territory at exclusive economic zones ay magpapatibay sa ating punto laban sa ilegal na claim ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Iginiit naman ni Atty. Neil Simon Ailva ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea na kailangang ayusin ang boundary ng Pilipinas para matukoy ang hangganan ng teritoryong kinakailangang ipagtanggol ng ating bansa.

Ipinahayag pa ni Silva na kung ipagtatanggol ng Pilipinas ang ating kasarinlan sa pamamagitan ng law enforcement at para makuha natin ang suporta mula sa international community ay dapat na gawing tugma ang batas natin sa batas ng international community. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author