Dumagsa na naman ang fishing vessels ng China sa West Philippine Sea, kung saan nasa 30 ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naglalayag sa katubigan ng bansa.
Sa mga aerial patrol na isinagawa ng AFP Western Command noong September 6 at 7, 23 Chinese fishing vessels ang naispatan sa Iroquis Reef na matatagpuan sa Southern end ng Reed Bank.
Nadagdagan pa ito nang mamataan ang limang barkong pangisda ng China sa Escoda o Sabina Shoal, at dalawang iba pa sa Baragatan o Nares Bank.
Sa routine air patrol na isinagawa ng Philippine Navy noong August 24, 33 Chinese fishing vessels ang naispatan sa Rozul o Iroquis Reef sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa at continental shelf, na paglabag sa sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas. –sa panulat ni Lea Soriano