Iginiit ni National Task Force on West Philippine Sea spokesperson Jonathan Malaya na hindi umaasa ang Pilipinas sa Amerika para makakuha ng seguridad sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Malaya na hindi niya maintindihan ang konsepto na nakasandal ang Pilipinas sa US dahil hindi naman ang Washington ang nagdadala ng supplies sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Binigyang diin ng opisyal ng National Security Council, na Philippine troops ang nagtutungo sa misyon at ang ginagawa lamang ng US ay bantayan kung ano ang nangyayari sa pinag-aagawang teritoryo.
Tugon ito ni Malaya sa pahayag ng ilang senador na umaasa lamang ang bansa sa Amerika, makaraang mamataan ang isang US aircraft sa pinakahuling resupply mission sa Ayungin Shoal. –sa panulat ni Lea Soriano