Iginiit ni Senador Grace Poe ang pangangailangan na palakasin ang countermeasures ng gobyernno laban sa scams at cybercriminals.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Poe na dapat ding pag-aralan ang kapabilidad ng Department of Information and Communications Technology sa paggugol ng knailang pondo makaraang umabot lamang sa 32.2% ang kanilang budget utilization rate noong 2022.
Kaya naman, hihilingin ng senador sa Commission on Audit na talakayin din sa kanila ang paggastos ng ahensya ng kanilang P1.2 billion confidential funds.
Sinabi ng mambabatas na inaaasahan din nilang didipensahan ni DICT Secretary Ivan Uy sa kanilang budget hearing ang hinihingi nilang pondo partikular ang P300 milyon na confidential fund at ang kanilang mga aksyon sa mga problema kugnay sa paggamit ng teknolohiya.
Bilang ika-apat na ahensyang may mataas na confidential fund anya, dapat patunayan ng DICT na nararapat silang tumanggap ng pondo bago magdesisyon ang Senado na aprubahan ang kanilang hinihilin na budget. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News