Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Singaporean investors na maglagak ng puhunan sa renewable energy sector ng Pilipinas.
Sa sidelines ng 10th Asia Summit Fireside Chat sa Singapore, inihayag ng Pangulo na ang foreign investors ay maaari na ngayong magkaroon ng 100% equity o shares sa exploration, development, at utilization ng solar, wind, hydro, at ocean o tidal energy resources.
Sinabi ng Pangulo na ang pagpapalakas sa renewable energy sector ay magbibigay-daan sa pagkakaroon ng mas-abot kaya at malinis na enerhiya para sa general public.
Makatutulong din ito sa long-term plan sa paglaban sa climate change.
Mababatid na ang mataas na electricity rates ay isa sa mga nagiging balakid sa pagnenegosyo sa Pilipinas. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News