dzme1530.ph

Interest rate, posibleng ‘di baguhin ng BSP

Posibleng manatili ang batayan ng interest rate sa susunod na pagpupulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang sinabi ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr. na nais muna nilang makita ang pagbaba o target range ng inflation rate bago baguhin ang monetary policy.

Sa nakalipas na tatlong pagpupulong, hindi nabago ang interest rate na nasa 6.25%, bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo sa 5.3% noong August mula sa 4.7% noong July.

Interest rate ay tumutukoy sa mga kondisyon kapag ang commercial banks ay humiram o namuhunan ng pera sa Central Bank, at pinakamahalagang paraan upang mapamahalaan ang inflation. –sa ulat ni Airiam Sancho

About The Author