dzme1530.ph

Proteksyon sa mga testigo sa bawat kaso, moral obligation ng mga ahensya ng gobyerno

Ipinaalala ni Senador Jinggoy Estrada na hindi lang legal obligation kundi moral obligation ang pagkakaloob ng proteksyon sa mga testigo.

Sa gitna ito nang panggigiit ni Estrada na mahalagang bigyan ng karagdagang seguridad ang potensyal na mga testigo sa kaso ng pagmaltrato at pag-abuso sa kasambahay na si Elvie Vergara.

Sa ganitong paraan ay matitiyak na malaya at ligtas na makakatestigo ang mga ito.

Ang panawagan ni Estrada ay makaraang may magtangka sa buhay ng dating kasamahan ni Vergara na kinilala bilang alyas “Dodong”.

Si Dodong ay una nang nagpahayag ng kahandaan na tumestigo laban sa mga employer ni Vergara.

Sinabi naman ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na nakalulungkot ang kawalan ng tiwala sa mga law enforcement ng mga biktima ng pag abuso dahil sa tinatawag na wide clout o impluwensya ng mga suspek.

Iginiit pa ni dela Rosa na nananatili ang kanyang tiwala at kumpiyansa sa local police pero para sa ordinaryong tao tulad ni Dodong mas pinili niya na humingi ng tulong at magpakanlong sa Criminal Investigation and Detection Group kaysa sa local police. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author