Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa foreign investors sa Singapore, ang english-speaking workforce at ang 110-M consumers ng Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa 10th Asia Summit, inihayag ng Pangulo na isa sa mga bentahe ng bansa ay ang mga edukadong manggagawa na mahusay sa wikang Ingles, na itong nagdala sa Pilipinas sa global stage, partikular sa mga larangan ng business processing at outsourcing.
Ang Pilipinas din umano ang numero unong bansa pagdating sa paghahatid ng customer support at healthcare services, at pumapangalawa sa India sa outsourcing.
Kasabay nito’y tiniyak ni Marcos na sinisikap na nilang mai-angat ang technical at vocational skills ng mga Pilipino.
Ibinida rin sa investors ang 110-M Filipino consumers na nagtutulak sa demand at nakikitang magpapabilis sa pag-unlad ng bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News