Inilunsad ang iba’t ibang outreach programs sa bansa kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon, Setyembre a-13.
Nagkaroon ng medical at dental missions sa 69 na lugar na nilahukan ng 62,130 benepisyaryo, at ipinamigay ang mga libreng gamot at health services sa pakikipagtulungan sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
28,500 na katao naman ang pinakain sa feeding program sa 23 lugar, habang pinakain din ang mga dumulog sa presidential action center, at nagkaroon din ang milk letting activities.
Idinaos din ang “lab for all” tree-planting sa 45 lokasyon at mahigit 25,000 seedlings ang itinanim ng volunteers.
Mababatid na si Marcos ay nagdiwang ng kanyang kaarawan habang nasa Singapore para sa 10th Asia Summit at Formula One Grand Prix. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News