dzme1530.ph

Paggamit ng ticketing device ng LTO, sisimulan na.

Sisimulan ng Land Transportation Office (LTO) sa susunod na linggo ang paggamit ng bagong handheld device para mag-isyu ng tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Sa naturang device, ilalagay ng LTO enforcers ang information at violation ng motorista.

Mag-rerelease ang device ng resibo na ipi-prisinta ng motorista kapag babayaran na nito ang penalty.

Mayroong labing-limang araw ang violator para bayaran ang kanila traffic violation.

Sinabi naman ni LTO Chief Jay Art Tugade na sa ngayon ay kukumpiskahin pa rin ng enforcers ang lisensya ng mga lumalabag na motorista, subalit sa mga susunod na buwan ay maari nang bayaran ang fines sa pamamagitan ng online, sa halip na in-person para iwas-kotong.

About The Author