Tinukoy ang Pilipinas bilang “Most Dangerous Place” para sa environmentalists sa Asya, ayon sa Global Witness report.
Inilagay din ng environmental group ang Pilipinas sa pang-limang puwesto ng “Most Unsafe Country for Environmentalists” sa buong mundo.
Sinabi ng non-government organization na karamihan ng mga naitalang pagpatay noong 2022 ay sa Latin America kung saan nangyari ang 88% ng mga pag-atake.
Noong nakaraang taon ay kabuuang 177 environmentalists ang pinaslang sa buong mundo.
Batay sa Global Witness report, kabilang sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng environmentalists na pinatay noong 2022 ay ang Colombia, 60; Brazil, 34; Mexico, 31; Honduras, 14; at Pilipinas, 11. –sa panulat ni Lea Soriano