dzme1530.ph

Taiwan, target i-extend ang 14-day visa-free entry hanggang 2025

Pinag-aaralan na ng bansang Taiwan ang posibilidad na palawigin ang 14-day visa-free entry hanggang 2025 para sa mga turistang Pinoy.

Ito ang inanunsyo ng Taiwan Tourism Board Deputy Director Emily Huang, upang hipit pang mahikayat ang Pinoy tourists na bumisita sa naturang bansa.

Ayon kay Huang, sa pamamagitan ng hakbang na ito ay papayagan pa rin ang mga turista hanggang taong 2025 na manatili sa taiwan ng 14 na araw nang walang visa.

Magsasagawa rin aniya ang Tourism Board ng raffle sa mga turista kung saan mayroong maswerteng mananalo ng 5,000 New Taiwan Dollars o katumbas ng halos P9,000.

Nabatid na ang Taiwan ang isa sa mga pinaka-binibisitang destinasyon ng mga turista kung saan nakatanggap ito ng halos 6-M foreign tourists kabilang ang target na 225,000 Pilipinong turista, bago matapos ang taong 2023. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author