dzme1530.ph

Mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa road rage, hihilingin ng LTO sa Kongreso

Hihilingin ng Land Transportation Office (LTO) sa Kongreso na magpasa ng batas para sa mas mabigat na parusa sa mga masasangkot sa road rage.

Sa pagharap sa pagdinig ng Senado para sa proposed 2024 budget ng Department of Transportation, inihayag ni LTO chief Vigor Mendoza na sa kasalukuyang batas ay hindi sila maaaring magpataw ng parusang higit pa sa apat na taong suspensyon ng lisensya.

Sinabi ni Mendoza na magsusumite sila ng proposal sa Kamara at Senado upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa road rage.

Isa rin anya sa ikinukunsidera nila ang pagmamandato sa mga aplikante ng driver’s license na ideklara kung nagmamay ari sila ng baril.

Samantala, kinumpirma rin ni Mendoza na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police Highway Patrol Group para sa profiling ng mga indibidwal na sangkot sa road rage incidents. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author