Sinimulan na sa Parañaque CIty ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa small rice retailers sa City Hall Grounds ngayon Lunes.
Pinangunahan ito ni Paranaque City Mayor Eric Olivarez, katuwang ang DSWD, DTI, Consumer Welfare Office, City Social Welfare and Development Department, at Business Permits and Licensing Office ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P15,000 sa 129 small rice retailers sa lungsod.
Ang naturang pay-out ay tugon ng gobyerno sa rice retailers na naapektuhan sa implementasyon ng Executive Order no.39 o ang pagpapatupad ng price ceiling o limitasyon sa presyo sa regular-milled at well-milled rice. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News