dzme1530.ph

Bagong seawall sa Roxas City, Capiz, nakumpleto na ng DPWH 

Tinapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong seawall sa Roxas City, Capiz, para magsilibing proteksiyon ng vulnerable community sa baybayin.  

Batay sa ulat ni DPWH Regional Office 6 OIC-Director Sanny Boy O. Oropel, ang seawall ay nagsisilbi na ngayong matibay na coastal defense ng Barangay Punta Cogon, na siyang nagbibigay ng pinahusay na kaligtasan laban sa masamang kondisyon ng panahon.  

Ang infrastructure project ng DPWH Capiz 1st District Engineering Office sa Punta Cogon Seawall ay pinondohan ng P29.1-M para tugunan ang pagtatayo ng 166-lineal meter concrete seawall na may anchorage piles at beams. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author