dzme1530.ph

PBBM, umaasang magiging inspirasyon sa mga batang lider at opisyal ng gobyerno ang yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magsisilbing inspirasyon sa mga batang lider at opisyal ng gobyerno, ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

Sa seremonya para sa ika-106 na kaarawan ni Marcos Sr. sa Batac, Ilocos Norte, inihayag ng Pangulo na hinahangad niya na ang mga katangian, ideya, at mithiin ng kanyang namayapang ama ay magtutulak sa mga batang lider at opisyal na tahakin ang mas makabuluhang tungkulin.  

Samantala, ipinagmalaki rin ng Pangulo ang legasiya ng tinaguriang “Apo Lakay”, kabilang ang ipinaglaban nitong peace and order, development o pagpapa-unlad sa bansa, at mga iniwan nitong pangarap sa puso ng marami.  

Hangad din ni Marcos na ang selebrasyon ay magsisilbing paalala sa unity o pagkakaisa na itinaguyod ng kanyang ama.  

Kasabay nito’y hinikayat ng Pangulo ang mga pilipino na kumilos sa kani-kanilang maliliit na pamamaraan upang suportahan ang mga inisyatibo at programa ng gobyerno, at ipagpatuloy ang sense of ownership at accountability para sa matatag na bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author